Lipa City National Science High School Batch 2001
Ako na yata ang pinakapasaway sa batch namin. Palaging wala kapag get together ng batch, ang palaging patay ang communication lines sa mga dating kaklase at kabarkada, kahit alumni homecoming kung saan dumating ang lahat ng aking mga kapatid, ako lamang ang wala. Kung tutuusin, mas malimit pa atang makita ng mga batchmates ko ang nanay ko kaysa sa akin. MIA, always missing in action.
Nitong nakaraang araw, nagsimula ulit akong balikan at kontakin ang mga kaibigan. Parang gustong bumawi sa mga panahong pinalipas ko lang.
Ang totoo niyan, hindi naman talaga BOYCOTT ang mode ko sa mga batch gatherings. MInsan lang talaga, nasasabay sa mga schedule ko o kaya’y may mga pagkakataong pinipili ko na lang magpahinga o matulog sa bahay dahil sa matinding stress. Atsaka minsan naiisip ko din, ano pa bang pwede naming pag-usapan. Wala na ang common ground namin. Wala na kaming pagtsitsismisan na mga teachers, nakakatawang assignments o nakakainis na patakaran ng "fucking institution". Pare-pareho na kaming umabante sa sarili naming mga propesyon o piniling daan. Ako, as a person, ano bang maari kong ikwento sa kanila. Ang pakikibaka sa lansangan, ang laban sa matinding karahasan sa kababaihan, ang pagpapatuloy ng matinding kampanya ng pagpapatalsik kay GMA. Mapupukaw ko ba ang interes nila sa pagtalakay ko ba sa pang-pulitika at pang-ekonomiyang krisis ng bansa o mas papansinin nila ang kwentuhan sa love life ng bawat isa? Anong panama ng statement ni GMA sa krisis ng love life?
Ito ang naging una kong perception sa mga pagkikitang ito. Kaya ang ending, hindi na lamang ako pumupunta o dinededma ko na lang ang ma announcements tugkol sa ma kitaan na ito. Pero noong binalikan ko ang ganitong klaseng persepsyon ko, naks, parang lalo yata akong naiwan. Hanggang sa tuluyang nawalan na ng balita sa mga dating kaeskwela.
Noong dukutin ang dalawang kabataang aktibista sa UP Diliman na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno (na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita), natauhan ako bigla. Kakilala ko si Karen, matuturing na isa sa mga pinakamasugid kong katsismisan. Napamura talaga ako.
Leche.
Sa daming pinapatay (729 na sibilyan) at nawawala (181 na sibilyan) sa ilalim ng administrasyon ni GMA, hindi mo alam kung kelan ka magiging kasunod. PInagiinitan ngayon ni Gloria ng mga progresibong organisasyon tulad ng GABRIELA, tinatawag na mga komunista at terorista. Pero wala naman silang mailabas na ebidensya.
Naisip ko na napakaikli ng buhay, para aksayahin sa pagiwas sa mga tao at sa mga kontradiksyon. Ano na?! Sana kung nasabi ko to sa mga batchmates at kaibigan ko (ang hinggil sa isyu at pakikibakang ginagawa ng organisasyon ko) nadagdagan pa sana ng mga mamamayang mulat sa tunay na kalagayang panlipunan. Pero umiwas kasi ako kaya walang ganitong nangyari. PInauna ko ang insecurity ko at pagiging indibidwalista.
Atsaka malay natin di ba… kapag nagdeclare na ng Martial Law si Gloria (sabagay meron na naman ngayon undeclared Martial Law), at sinimulan na ang pagtugis sa mga progresibong organisasyon at aktibista, may mga bahay akong pwedeng pagtaguan. Thank you friends!
Kaya sa susunod na get together… Invite na ninyo ako (syempre pupunta ako kung libre ako).

Leave a Reply