header image
 

Sana mabasa ng mga utak ipis sa Malacanang

Theres The Rub
May araw din kayo

By Conrado de Quiros
Philippine Daily Inquirer
First Posted 01:04:00 08/17/2009

Tatagalugin ko na nang makuha n’yo. Kahit na lingwaheng kanto lang ang alam kong Tagalog.

Tutal Buwan ng Wika naman ang Agosto. Baka sakali ’yung paboritong wika ni Balagtas ay makatulong sa pag-unawa n’yo dahil mukhang ’yung paboritong wika ni Shakespeare ay lampas sa IQ n’yo. Kung sa bagay, ang pinakamahirap gisingin ay ’yung nagtutulug-tulugan. Ang pinakamahirap padinggin ay ’yung nagbibingi-bingihan. Ang pinakamahirap paintindihin ay ’yung nagmamaangmaangan. Bueno, mahirap din paintindihin ’yung likas na tanga. Pero bahala na.

Sabi mo, Cerge Remonde, alangan naman pakanin ng hotdog ang amo mo. Bakit alangan? Hindi naman vegetarian ’yon. At public service nga ’yon, makakatulong dagdagan ng cholesterol at salitre ang dugong dumadaloy papuntang puso n’ya. Kung meron man s’yang dugo, kung meron man s’yang puso.

Bakit alangan? Malamang di ka nagbabasa ng balita, o di lang talaga nagbabasa, kung hindi ay nalaman mo ’yung ginawa ni Barack Obama at Joe Biden nitong nakaraang Mayo. Galing silang White House patungong Virginia nang magtakam sila pareho ng hamburger. Pina detour nila ang motorcade at tumuloy sa unang hamburgerang nakita nila. Ito ang Ray’s Hell Burger, isang maliit at independienteng hamburger joint.

Tumungo ang dalawa sa counter at sila mismo ang nag-order, hindi mga aides. Nagbayad sila ng cash na galing sa sariling bulsa at kagaya ng ibang customers ay pumila para sa turno nila.

Ito ay presidente at bise presidente ng pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo. Kung sa bagay, ’yung amo n’yo ay hindi naman talaga presidente. Di lang makita ang pagkakaiba ni Garci kay God kaya nasabing “God put me here.” Pekeng presidente, pekeng asal presidente.

Sabi mo, Anthony Golez, maliit lang ang P1 million dinner kumpara sa bilyon-bilyong pisong dinala ng amo mo sa bansa.

Ay kayo lang naman ang nagsasabing may inambag ang amo n’yo na bilyong-bilyong piso sa kaban ng bayan. Ni anino noon wala kaming nakita. Ang nakita lang namin ay yung bilyon-bilyong piso—o borjer, ayon nga sa inyong dating kakosa na si Benjamin Abalos—na inaswang ng amo n’yo sa kaban ng bayan. Executive privilege daw ang hindi n’ya sagutin ito. Kailan pa naging pribilehiyo ng isang opisyal ang di managot sa taumbayan? Kailan pa naging pribilehiyo ng isang opisyal ang magnakaw?

Maliit lang pala ang P1 million, ay bakit hindi n’yo na lang ibigay sa nagugutom? O doon sa mga sundalo sa Mindanao? Tama si Archbishop Oscar Cruz. Isipin n’yo kung gaano karaming botas man lang ang mabibili ng P1 million at karagdagang P750,000 na nilamon ng amo n’yo at mga taga bitbit ng kanyang maleta sa isa pang restawran sa New York.

Maliit lang pala ang P1 million (at P750,000), bakit hindi n’yo na lang ibigay doon sa pamilya ng mga sundalong namatay sa Mindanao? Magkano ’yung gusto n’yong ibigay sa bawat isa? P20,000? Sa halagang iyan 50 sundalo na ang maaabuluyan n’yo sa $20,000. Pasalu-saludo pa ’yang amo n’yo sa mga namatay na kala mo ay talagang may malasakit. Bumenta na ’yang dramang ’yan. At pasabi-sabi pa ng “Annihilate the Abus!” Di ba noon pa n’ya ’yan pinangako? Mahilig lang talagang mangako ’yang amo n’yo.

Bukod pa d’yan, saan ba nanggaling ’yung limpak-limpak na salapi ng mga kongresista na pinansisindi nila ng tabako? Di ba sa amin din? Tanong n’yo muna kung ayos lang na i-blowout namin ng wine at caviar ang amo n’yo habang kami ay nagdidildil ng asin—’yung magaspang na klase ha, ’di yung iodized. Ang tindi n’yo, mga p’re.

At ikaw naman, Romulo Macalintal, tapang ng apog mo. Maiisip mo tuloy na sundin na lang ang mungkahi ni Dick the Butcher sa “Henry VI” ni Shakespeare: “First thing we do, let’s kill all the lawyers.” Pa ethics-ethics ka pa, pasalamat ka di nasunog ang bibig mo sa pagbigkas ng katagang ’yon.

Marami mang sugapa rin sa aming mga taga media, di naman kasing sugapa n’yo. At di naman kami sineswelduhan ng taumbayan. Wala naman kaming problemang sumakay sa PAL at kailangan pang bumili ng P1.2 billion jet. Anong sabi n’yo, kailangan ng amo n’yo sa pabyahe-byahe? E sino naman ang may sabing magbabyahe s’ya? Ngayon pang paalis na s’ya—malinaw na ayaw n’yang umalis. Bakit hindi na lang s’ya bumili ng Matchbox na eroplano? Kasya naman s’ya ro’n.

Lalo kayong nagpupumiglas, lalo lang kayong lumulubog sa kumunoy. Di n’yo malulusutan ang bulilyasong ginawa n’yo. Para n’yo na ring inagaw ang isinusubong kanin ng isang batang nagugutom. Tama si Obama at Biden: Sa panahon ng recession, kung saan nakalugmok ang mga Amerikano sa hirap, dapat makiramay ang mga pinuno sa taumbayan, di nagpapakapariwara. Sa panahon ng kagutuman, na matagal nang kalagayan ng Pinoy, at lalo pang tumindi sa paghagupit ng Typhoon Gloria, dapat siguro uminom na lang kayo ng insecticide. Gawin n’yo ’yan at mapapawi kaagad ang kagutuman ng bayan.

Sa bandang huli, buti na rin lang at ginawa n’yo ’yung magpasasa sa P1 million dinner habang lupaypay ang bayan sa kagutuman—di lang sa kawalan ng pagkain kundi sa iba pang bagay—at pagdadalamhati sa yumaong Ina ng Bayan. Binigyan n’yo ng mukha ang katakawan. Katakawang walang kabusugan. Mukhang di nakita ng masa sa usaping NBN, mukhang di nakikita ng masa sa usaping SAL. Mukhang nakita lang ng masa dito sa ginawa n’yong ito. Sa pagpapabondat sa New York habang naghihinagpis ang bayan.

At buti na rin lang mayroon tayong sariling wika. Di sapat ang Inggles para iparamdam sa inyo ang suklam na nararamdaman namin sa inyo. Di sapat ang Inggles para ipakita sa inyo ang pagkamuhi na nararamdaman namin sa inyo. Di maarok ng Inggles ang lalim ng poot na nararamdaman namin sa inyo.

Isinusuka na kayo ng taumbayan, mahirap man sumuka ang gutom.

May araw din kayo.

Concerned Artists of the Phils on the 2009 National Artists Awards fiasco (in English & Filipino)

PRESS STATEMENT
Concerned Artists of the Philippines (CAP)
31 July 2009

CAP INDIGNANT OVER MORIBUND, DECADENT POLITICS
BEHIND THIS YEAR’S SELECTION OF NATIONAL ARTISTS

The Concerned Artists of the Philippines joins much of the Filipino arts and cultural community in expressing indignation over the unprecedented brazen use by the Arroyo regime of the National Artists awards for its moribund, decadent politics.

We are outraged that Arroyo has transformed the National Artists awards as her own largesse for doling out political favors. More than half of the seven new National Artists awardees were Arroyo’s direct recommendees that were not on the list given by the both the National Commission on Culture and the Arts (NCCA) and the Cultural Center of the Philippines (CCP), the sole agencies tasked by law to recommend National Artists awardees.

We particularly detest the designation of Presidential Adviser on Culture Cecille Guidote-Alvarez as National Artist as reeking of the worst kind of patronage politics the Filipino people would have long been far better off without. Alvarez’s designation speaks of the worst conflict of interest possible in this situation, given that she is currently NCCA executive director and heads the secretariat for the National Artists awards! How is it possible that such an award can be seen in any good light, and that the awardee would accept it in all good faith and honesty?

We cannot but see Alvarez’s being named National Artist as Arroyo’s way of returning political favors after Alvarez’s consistent whitewashing of her regime’s corruption and repression. As well, we see this as a spectacular condonation of various reported anomalies at the NCCA committed by Alvarez all these past years.

It gets worse. Malacañang is vainly covering up for its wanton presidential abuse by contending that it just dispatched its “purely ministerial” duties in naming this year’s National Artist awardees. This is a brazen lie that is easily shown by a simple inquiry into the entire process, and by those from both the NCCA and CCP who were affronted by the grave presidential indiscretion after they went through a rigorous selection process!

We find this action by Arroyo as being consistent with her longstanding deceit of the Filipino people, capped recently by her last State of the Nation Address (SONA), the worst farewell SONA in our country’s history. It is consistent with her overall disdain for all public accountability throughout her rule, as she engaged in massive cheating, corruption, brutal and bloody suppression of consistent critics to her criminal reign, puppetry to corrupt foreign interests, wholesale subversion of the constitution she vowed to uphold and protect, and sabotage of fully urgent and legitimate impeachment moves against her all these years.

Arroyo’s virtual subversion of the National Artists awards process highlights as well her regime’s deliberate exacerbation of the longstanding severe crisis in Philippine culture and the arts. Her regime will long be infamous for worsening colonial, feudal, fascist and commercial culture, shown by (1) its unabashed promotion of English as official language of instruction, commerce and government; (2) unprecedented opening up of the economy to foreign cultural goods and services, leading to the virtual decimation of the local cultural economy; (3) annihilation of native and minority cultures brought by unrivaled disruption of the agriculture- based livelihoods of Filipino cultural minorities and native communities; (4) the brazen bastardization and commercialization of Filipino native cultures and customs through promotion of tourism attuned to neoliberal globalization; and (5) its brazen suppression of the constitutionally- guaranteed freedom of expression by censoring numerous films with social commentary that have in fact been recipients of many international and local awards, and its world-class annihilation of journalism and journalists.

CAP will be alongside Filipino cultural workers, professionals and advocates in taking immediate direct actions to justly detest this latest outrageous act of the Arroyo regime. We enjoin all other freedom-loving Filipinos to do likewise. Philippine arts and culture deserve no less.

Sobra Na! Tama Na! Patalsikin si Gloria!

-30-

Filipino translation follows:

PRESS STATEMENT
Concerned Artists of the Philippines (CAP)
31 July 2009

CAP: BULOK AT DEKADENTENG PULITKA NASA LIKOD NG PAGHIRANG
SA PAMBANSANG ALAGAD NG SINING NGAYONG TAON

Kaisa ang Concerned Artists of the Philippines (CAP) sa kalakhan ng nasa larangan ng sining at kulturang Pilipino sa paghayag ng indignasyon sa walang-kasing- garapal na paggamit ng rehimeng Arroyo sa Gawad Pambansang Alagad ng Sining para sa bulok at dekadenteng pulitika.

Sumasambulat ang galit namin sa pagtransporma ni Arroyo sa Gawad Pambansang Alagad ng Sining bilang sariling kaban ng pampulitikang pagpapabuya. Lagpas sa kalahati sa pinangalanang Pambansang Alagad ng Sining ngayong taon ay mismong nirekomenda ni Arroyo na wala sa listahang binuo ng kapwa Pambansang Komisyon sa Kultura at Sining (National Commission on Culture and the Arts o NCCA) at Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (Cultural Center of the Philippines o CCP), tanging mga ahensyang inatasan ng batas na magrekomenda ng mga gagawaran bilang Pambansang Alagad ng Sining.

Sa partikular ay kasuklam-suklam ang paghirang kay Cecille Guidote-Alvarez, Presidential Adviser on Culture, bilang Pambansang Alagad ng Sining bilang pinakamasamang klase ng pulitika de padrino na kaytagal na dapat ibinasura sa kapakinabangan ng bayang Pilipino. Ang paggawad kay Alvarez ang pinakamalala nang conflict of interest sa sitwasyong ito, sa dahilang sya ang kasalukuyang executive director ng NCCA at laluna ng kalihiman o secretariat para sa Gawad Pambansang Alagad ng Sining! Paanong may matutunghayang mabuti sa paggawad na ito, at paano naman ito matatanggap ng ginawaran nang may katapatan at kabutihang-loob?

Ang paghirang kay Alvarez bilang Pambansang Alagad ng Sining ay walang iba kundi pangtapat ni Arroyo na pabor sa pulitika matapos ang konsistent na pagtatakip ni Alvarez sa katiwalian at paniniil ng rehimen. Tinitingnan din namin ito bilang matunog na pagkunsinti sa mga nabalitang anomalya sa NCCA na sala ni Alvarez nitong nakaraang mga taon.

Ang higit na malala pa, pilit pagtakpan ng Malacañang ang tahasang pang-aabusong ito ng presidente nang magpaliwanag pa na “purely ministerial” lang daw ang ginawa nito sa pagpangalan sa mga bagong Pambansang Alagad ng Sining ngayong taon. Pawang kasinungalingan ito na kaydaling mapakita sa simpleng pag-imbestiga sa buong proseso, at ng mga mula sa NCCA at CCP na, matapos dumaan sa matinding proseso ng seleksyon, ay binastos ng siryosong kamaliang ito ng presidente!

Konsistent ang gawing ito ni Arroyo sa matagal na nyang panlalansi sa sambayanan, na ang rurok ay ang kamakailang huling State of the Nation Address (SONA) niya, ang pinakamalalang “farewell SONA” sa kasaysayan ng bansa. Konsistent ito sa pagkamuhi nya sa pampublikong paniningil sa itinagal ng kanyang paghari, nang sya’y nagsagawa ng malawakang pandaraya, korapsyon, brutal at madugong pagsupil sa mga kritiko ng kanyang paghaharing kriminal, pagkatuta sa tiwaling dayuhang interes, buung-bong pagsira sa saligambatas na dapat ay kanyang itinataguyod, at pagsabotahe sa ganap na lehitimo’t mahihigpit na hakbanging impeachment laban sa kanya nitong nakaraang mga taon.

Pinatitingkad ng pagsira ni Arroyo sa Gawad Pambansang Alagad ng Sining ang sadyang pagpapalala ng kanyang rehimen sa matagalan nang grabeng krisis sa sining at kulturang Pilipino. Maaalala ang kanyang termino bilang nagpatindi ng kulturang kolonyal, pyudal, pasista at komersyal, na makikita sa (1) walang-habas na pagtaguyod sa Ingles bilang opisyal na wika sa pagtuturo, komersyo at gubyerno; (2) walang kaparis na pagbubukas ng ekonomya sa mga dayuhang produkto at serbisyong pangkultura, na humantong sa halos pagkasawi ng lokal na ekonomya sa kultura; (3) pagpuksa sa mga kulturang katutubo at minorya bunga ng walang kapantay na paninira sa kabuhayan ng mga minorya at katutubong komunidad na nakasandig sa agrikultura; (4) garapalang pambubusabos at komersyalisasyon ng mga kostumbre at kulturang katutubo sa pagtaguyod ng turismong nakaangkla sa neoliberal na globalisasyon; at (5) walang-habas na pagsupil sa kalayaang mamahayag nang i-censor nito ang maraming pelikula’t programa na may komentaryo sa lipunan na nagawaran sa maraming patimpalak sa loob at labas ng bansa, at ang world-class na pagsikil sa peryodismo at sa mga peryodista.

Sasama ang CAP sa mga nasa larangan ng sining at kulturang Pilipino sa pagsagawa ng kagyat na direktang aksyong demokratiko para ibasura ang huling kasuklam-suklam na salang ito ng rehimeng Arroyo. Nananawagan kami sa iba pang mga kababayang nagmamahal sa kalayaan na makibahagi din. Para sa sining at kulturang Pilipino, ito’y karapat-dapat lamang.

Sobra na! Tama na! Patalsikin si Gloria!

-30-

Realizations

Matagal na rin pala akong hindi nakakapagpost ng blog dito sa friendster, binabasa ko kasi yung huli kong sinulat.  taong 2006 pa yun. anung petsa na, 2009 na. Marami nang nagbago.  Sa loob ng tatlong taon, ibang iba na ang takbo ng buhay ko.

Ito ngang anak ko, magsalawang taon sa Oktubre. Kapag nakikita ko siya, lalo kong narerealize na nanay na ako.  Akala ko dati, kapag nagbuntis ka madali mong maiinternalize na ina ka na.  HIndi pala, kaya naghintay akong manganak.  Ganoon din ang naisip ko nung nanganak ako, dito talaga magsisink-in na na nanay ka na. Pero hindi pa din. Sa araw-araw na nakikita ko ang anak ko at tinatawag niya akong nanay, doon pa lang siya unti-unting bumbaon sa akin. Ina ka na talaga.  May isang maliit na bata na umaasa sa iyo para magsurvive sa harsh world na meron tayo.

Ang dami kong gustong gawin at ibigay sa kanya, ang dami kong pangarap.  Pero naisip ko, hindi naman kaya maging isang overbearing nanay ako. naalala ko kasi yung “virgin suicides.” Ayaw kong itulak sa ganoong pangyayari ang anak ko. Paano kung hindi  magustuhan ng anak ko yung mga pangarap ko para sa kanya?  Kailangan ko sigurong dumistansiya, hayaan ko siya na alamin kung anong gusto niya, anong makakabuti at makasasama sa kanya. Siyempre, nanay niya ako at hindi  ko siya iiwan.  Nakaantabay lang ako pero hindi ko siya pangungunahan.  Mahirap sa isang ina na gawin yon, ngayon ko lang naintindihan ang nanay ko kung bakit gustung-gusto niyang masunod ang pangarap niya sa akin. Pero hindi ko siya dapat ikulong sa mga pangarap ko at sa mga gusto kong mangyari para sa kanya. Lalaki din siya at magkakaisip, masakit man pero hindi na siya aasa sa akin, aasa na siya sa sarili niyang kakayahan na magdesisyon at timbangin ang tama sa mali.

mahirap palang maging ina. alam ko noon pa yun, pero hindi sa ganitong level katulad ng pagunawa ko. madrama na rin ako  ngayon. hindi katulad ng dati. may nakita akong professor ko dati sa UP, sabi niya sa akin magsulat daw ulit ako. sabi ko hindi ko maharap ang pagsusulat ngayon. Sabi niya, subukan mo kasi nanay ka na, “mas malalim ka na ngayon.”

siguro nga…

kunwari

kunwari manunula ako. kunwari lang naman… isang korning tula ng pag-ibig! bwahahahaha!

isang tulang, sinulat ko tatlong taon na ang nakakaraan.

Kapeng Barako

Una muna’y pinili mo akong parang butil ng kape

Mula sa kaban ng iba pang mga butil na nagpupumilit makuha ang iyong atensyon.

Pinili mo ang kapeng walang sakit, makinis at mabango.

Nagiling ako sa iyong mga halik, yakap at matatamis na salita

Naging isang galpong tila handa ng timplahan.

Dahan-dahan moa kong isinalang sa kumukulong tubig,

Nang relasyong hindi lamang iisang beses napaso

Nasunog, dahil sa init ng pagdurusa.

Isinalang at inilipat mo ako sa isang munting tasa

Binawasan ko ang aking pagkatao para pagkasyahin

sa isang maliit na lalagyang walang hugis.

Paulit-ulit mo akong tinikman,

Paulit-ulit ko ring ibinigay ang aking sarili.

Ngunit noong latak na lamang ang natiran sa takure

at ubos na ang galpong bagong giling,

Hindi mo na pinakuluang muli ang init ng pagsasama.

Bagkus at itinapon mo ang latak sa bintana. 

hintayan

umiikli na ang pasensya ko.  ang dating mahaba kong pisi (na pwede mo pang gamitin para makapagpalipad ng saranggola), ngayon ay kasing haba na lang ng pilikmata ko.  siguro sa dami na rin ng hinintay ko na hindi dumating, sa mga texts na wala namang nagreply, sa expectations ko na hindi naman naabot. maraming mga factors. minsan gusto ko nga magwala, mga "#*!$%^!".  pero siyempre hindi ko magagawa yun.  at pinipilit ko pa ring magtimpi.

sa dinami-dami ng mga hinintay ko, mayroong akong mga bagay na napansin.

marami ka palang naiisip kapag naghihintay ka. iisipin mo kung nasaan na ang hinihintay mo, karo ba ng patay ang sinakyan niya? Iisipin mo na din kung anong sasabihin mo sa kanya kapag nagkita kayo, mumurahin mo ba siya, ipapahiya, hindi ka magsasalita? pangatlo, iisipin mo kung anong gagawin mo mamaya, bukas o kung ano man ang ginawa mo kahapon.

kakayanin mo ngang balikan ang sinabi mo sa matalik mong kaibigan noong una kang datnan ng regla, pero siyempre depende yun sa gaano ka ba katagal ng naghintay. halimbawa, kapag 30 mins pa lang late ang kausap mo,maiisip mo ang sinabi mo noong nakaraang linggo.  kapag 3 oras (na pinakamatagal ko ng karanasan), naalala mo na siguro yung panahong nagdadalaga ka at ang mga una mong crush. 

sa pagbalik mo sa nakaraan, maiisip mo, sana hindi ganito ang nangyari, dapat ginawa ko ang ganito, dapat pumunta ako, dapat sinabi ko to.  sa madaling salita, pagsisisi.  maraming drama. maraming sana. "tama na ang disappointments, lalo ka lang nadedepress," sasabihin mo sa sarili mo. kaya ang gagawin mo,ibaling sa mga tao sa paligid mo ang atensyon.  hindi sila bagay ng nyowa nya, mukha siyang pugo, para siyang hipon, kapag nakakita ka ng mataba ay sabay tanong sa sarili "ganoon na ba ako kalaki?"   hindi bagay ang neon green sa taong maitim, wala kang palalampasin. kaharap. katabi. nasa likod mo. kahit yung nakiraan lang.  tsk.tsk. mmaiisip mo ulet, "ang ganda ko ah," kaya magdedesisyon kang tumigil na lang.

kung hindi ka ganito, malamang mahilig kang magdala ng libro, magdala ng walkman (na mp3, mp4, shuffle at kung anu-ano pa!), o kaya tulad din ng ginagawa ko minsan ay matulog.  o kaya’y katulad ko din na nagsusulat tungkol sa paghihintay habang naghihintay.

marami ka namang pwedeng gawin habang naghihintay ka para maaliw ka.  ang susi kasi, kapa alam mong talagang late ang kausap mo, gawin mong isang oras ng maaga ang sasabihin mo sa kanya. nagtatagumpay minsan (depende sa sitwasyon at tao) ang taktika na to.

pero sa kabila ng lahat (kahit mahigit isang oras ka pang naghihintay) sa pagdating niya, mawawala ang litanyang niluluto mo sa bibig. ang mga bagay na kanina mo pa pinaplanong sabihin ay bigla mo na lang malululok.

maiisip mo din kasi, buti na lang walang nangyaring masama sa kanya at tinanghali lamang siya ng gising.

Lipa City National Science High School Batch 2001

Ako na yata ang pinakapasaway sa batch namin.  Palaging wala kapag get together ng batch, ang palaging patay ang communication lines sa mga dating kaklase at kabarkada, kahit alumni homecoming kung saan dumating ang lahat ng aking mga kapatid, ako lamang ang wala.  Kung tutuusin, mas malimit pa atang makita ng mga batchmates ko ang nanay ko kaysa sa akin.  MIA, always missing in action.

Nitong nakaraang araw, nagsimula ulit akong balikan at kontakin ang mga kaibigan.  Parang gustong bumawi sa mga panahong pinalipas ko lang.

Ang totoo niyan, hindi naman talaga BOYCOTT ang mode ko sa mga batch gatherings.  MInsan lang talaga, nasasabay sa mga schedule ko o kaya’y may mga pagkakataong pinipili ko na lang magpahinga o matulog sa bahay dahil sa matinding stress.  Atsaka minsan naiisip ko din, ano pa bang pwede naming pag-usapan.  Wala na ang common ground namin. Wala na kaming pagtsitsismisan na mga teachers, nakakatawang assignments o nakakainis na patakaran ng "fucking institution". Pare-pareho na kaming umabante sa sarili naming mga propesyon o piniling daan.  Ako, as a person, ano bang maari kong ikwento sa kanila.  Ang pakikibaka sa lansangan, ang laban sa matinding karahasan sa kababaihan, ang pagpapatuloy ng matinding kampanya ng pagpapatalsik kay GMA.  Mapupukaw ko ba ang interes nila sa pagtalakay ko ba sa pang-pulitika at pang-ekonomiyang krisis ng bansa o mas papansinin nila ang kwentuhan sa love life ng bawat isa?  Anong panama ng statement ni GMA sa krisis ng love life?

Ito ang naging una kong perception sa mga pagkikitang ito.  Kaya ang ending, hindi na lamang ako pumupunta o dinededma ko na lang ang ma announcements tugkol sa ma kitaan na ito.  Pero noong binalikan ko ang ganitong klaseng persepsyon ko, naks, parang lalo yata akong naiwan.  Hanggang sa tuluyang nawalan na ng balita sa mga dating kaeskwela.

Noong dukutin ang dalawang kabataang aktibista sa UP Diliman na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno (na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita), natauhan ako bigla.  Kakilala ko si Karen, matuturing na isa sa mga pinakamasugid kong katsismisan. Napamura talaga ako.

Leche.

Sa daming pinapatay (729 na sibilyan) at nawawala (181 na sibilyan) sa ilalim ng administrasyon ni GMA, hindi mo alam kung kelan ka magiging kasunod.  PInagiinitan ngayon ni Gloria ng mga progresibong organisasyon tulad ng GABRIELA, tinatawag na mga komunista at terorista.  Pero wala naman silang mailabas na ebidensya.

Naisip ko na napakaikli ng buhay, para aksayahin sa pagiwas sa mga tao at sa mga kontradiksyon.  Ano na?! Sana kung nasabi ko to sa mga batchmates at kaibigan ko (ang hinggil sa isyu at pakikibakang ginagawa ng organisasyon ko) nadagdagan pa sana ng mga mamamayang mulat sa tunay na kalagayang panlipunan.  Pero umiwas kasi ako kaya walang ganitong nangyari.  PInauna ko ang insecurity ko at pagiging indibidwalista.

Atsaka malay natin di ba… kapag nagdeclare na ng Martial Law si Gloria (sabagay meron na naman ngayon undeclared Martial Law), at sinimulan na ang pagtugis sa mga progresibong organisasyon at aktibista, may mga bahay akong pwedeng pagtaguan.  Thank you friends!

Kaya sa susunod na get together… Invite na ninyo ako (syempre pupunta ako kung libre ako).

tula

If You Forget Me by Pablo Neruda

I want you to know
one thing.

You know how this is:
if I look
at the crystal moon, at the red branch
of the slow autumn at my window,
if I touch
near the fire
the impalpable ash
or the wrinkled body of the log,
everything carries me to you,
as if everything that exists,
aromas, light, metals,
were little boats
that sail
toward those isles of yours that wait for me.

Well, now,
if little by little you stop loving me
I shall stop loving you little by little.

If suddenly
you forget me
do not look for me,
for I shall already have forgotten you.

If you think it long and mad,
the wind of banners
that passes through my life,
and you decide
to leave me at the shore
of the heart where I have roots,
remember
that on that day,
at that hour,
I shall lift my arms
and my roots will set off
to seek another land.

But
if each day,
each hour,
you feel that you are destined for me
with implacable sweetness,
if each day a flower
climbs up to your lips to seek me,
ah my love, ah my own,
in me all that fire is repeated,
in me nothing is extinguished or forgotten,
my love feeds on your love, beloved,
and as long as you live it will be in your arms
without leaving mine.

ano ang pulitika…

walang ibang kayang magpaliwanag ng kung ano ang pulitika maliban sa email na ito na natanggap ko…

A young boy goes to his father and asks " What is politics?’

Dad says " Well son, let me explain it this way…. I am the breadwinner of the house, so lets call me Capitalism. Your mum, she’s the administrator of the household, so we’ll call her the Government.

We’re here to take care of you, so let ’s call you the People. And the Nanny, well she works hard all day for very little money, so we’ll call her the Working Class. And your baby brother, we’ll call him the Future.

Now think about that and see if it makes sense."

So the boy thinks about it as he is falling asleep.

In the night, he hears his baby bother crying, so he gets up to see what’s wrong. He finds the baby has severely soiled his diaper.

So he goes to his parents room and finds his mother sound asleep. Not wanting to disturb her, he goes to the nanny’s room, but the door is locked. Peeping through the key hole, he sees his father in bed with the nanny, so he gives up and goes back to bed.
Next morning he tells his father he thinks he understands the concept of politics.

" Really?" says his dad,surprised!! " that was quick. Tell me, in your own words what do you think politics is all about."

The young boy replies " Well, while Capitalism is screwing the WorkingClass, the Government is sound asleep. The People are being ignored and the Future is in deep shit!!".

sabi nga nila, hindi nagsisinungaling ang bata.

family dinner

this past xmas, my family had a small dinner. the traditional noche buena, pero hindi exactly on midnight.  kalimitan we eat our noche buena on 10 o’clock or 11 o’clock. we don’t wait for mn, kasi isang pamilya kami ng mga gutuming tao…

my family loves to eat.pero ako at ang kuya ko lang ang nagpapakita ng signs ng pagmamahal sa pagkain. my two sisters are quite thin but they also have a history of a liitle fat that goes with their bones.hehehe… kami ng kuya ko ang apalaging makikita mong present sa kusina at nagbubukas ng ref o ng mga tupperwares.

ang xmas at ang new year ang mga panahon na palagi kong hinihintay… bukod sa presents and sometimes money, the air is full of smell (hindi ng pulbura) kundi ng spaghetti sauce,  smoked ham, kakanin, crispy pata (minsan)… at kung anu-ano pa…

pero ngayong xmas, the table is not really that full.actually mas malaki pa ang inooccupy ng centerpiece nain kaysa sa mga pagkain sa table…the food,obviously, nabawasan.  blame it on the crisis (damn!).  hindi tuloy ako nakakain ng marami.  but the time i spent eating last year, was cut down into half.  i spent most of my time talking to my sibling at parents instead.  hindi na lang ako nakayuko sa plato habang sinisimot ang last peaces of meat on my plate (i still do that), pero tumutunghay na ako at nagsasalita at nagkukuwento.

my past xmas dinners, has always been a quiet experience.  i don’t know why, pero hindi ako masyadong nagkukuwento unlike my attitude towards my friends during our meals together.  pero this year, i learned that for them to understand me, or what i do, kailangan ko talagang magkwento sa kanila.  most of the times, its difficult kapag may lamang tinapay at ham ang bibig ko. 

kaya nitong nakaraang dinner, i learned things:

1.  masarap makipagkwentuhan habang kumakain

2.  nakikinig din naman pala ang pamilya ko sa akin, if i just give them a chance (so ako ang may problema)

3. bottomline is…i have to eat less (hahaha!)

actually that’s the whole point…kailangan kong magpapayat!!waaaaah!!!

merry xmas!

its 12 days before xmas, its 19 days before new year…

sabi nila kapag pasko, give love.. i agree!kasi ngayon pasko wala ng pambili ng presents, wala na ring pambili ng pagkain, bagong damit at pang-aginaldo. dapat buong taon nating motto ‘to. kasi buong taon halos lahat ng taong kakilala ko at nakakausap ko (vendor, driver o takatak boy) puro wala ng pera. love na lang natitira..minsan pati love (kasama katawan) ibinebenta ng mga taong walang sapat na pera pambili ng basic necessities nila.

sabi nila kapag pasko, dapat namamahagi tayo…sana makonsensya ang mga pulitikong nagnanakaw sa kabang yaman ng pilipinas.pero kung may konsensya pa sila dapat umalis na lang sila sa pwesto.narinig mo yun, gloria?!

sabi nila kapag new year, dapat marami kang bilog na prutas para swerte…maraming salamat sa wto at sa globalization, namamatay na ang local agriculture natin kaya lahat ng prutas na nabibili natin sa palengke, imported. maraming salamat sa wto, maraming mga magsasaka ngayon ang hindi na rin maintindihan  kung paano mapapakain ang kanilang mga sariling pamilya.yeah…swerte ang prutas..

sabi nila kpag new year, dapat may barya ka sa bulsa o pera sa pitaka para may pera ka buong taon…wala ng ilalagay ang mamayan sa kanilang mga bulsa at pitaka.kasi ang minimum wage, hindi na sapat sa basic needs ng isang pamilya. kahit sinkong duling, wala na…pwede kaya ang play money?

sabi nila kapag new year, buksan lahat ng ilaw at bintana,para pumasok ang swerte…mahal ang kuryente, maraming magnanakaw ngayon kasi mahirap na ang buhay.

kapag new year,dapat magbagong buhay, kasi kung ano ka sa simula ng taon more or less, ganoon ka buong taon…so ibig sabihin ba nito, dahil sa e-vat, subic rape, election fraud issue, economic crisis, political crisis ang sasalubong sa atin sa 2006, ganito din tayo buong taon?

ako?hindi ako papayag noh!!ano ako, sira? i would definitely do sumthing about these issues…sana may mga taong ganoon ang new year’s resolutions…